UMISKOR si Kawhi Leonard ng 27 points at kumalawit ng 13 rebounds, at binura ng Los Angeles Clippers ang eight-point, fourth-quarter deficit upang gapiin ang bumibisitang Portland Trail Blazers, 107-101, noong Huwebes ng gabi.
Tumipa si Lou Williams ng 26 points at 8 assists habang gumawa sina Montrezl Harrell at Ivica Zubac ng tig-15 points para sa Clippers. Humugot din si Zubac ng 13 rebounds, siyam sa offensive end.
Nag-ambag si Leonard ng 18 points sa fourth-quarter comeback.
Ang panalo ay ika-900 sa career ni Clippers coach Doc Rivers. Ika-13 coach siya na nakagawa nito.
CELTICS 108,
HORNETS 87
Nagbuhos si Jayson Tatum ng 23 points at nagdagdag si Kemba Walker ng 14 sa kanyang pagbabalik sa Charlotte upang pangunahan ang Boston kontra ost Charlotte.
Nag-ambag si Gordon Hayward ng 20 points at 10 rebounds sa ika-6 na sunod na panalo ng Boston. Nagtala si Jaylen Brown ng 12 points makaraang lumiban ng tatlong laro dahil sa sakit.
Tumabo si Miles Bridges ng 18 points, at nagdagdag si Devonte’ Graham ng 15 para sa Hornets, na naputol ang three-game winning streak. Nalimitahan si Terry Rozier, naglaro laban sa Boston sa unang pagkakataon matapos ang apat na seasons sa Celtics, sa tatlong puntos sa 1-of-11 shooting.
SPURS 121,
THUNDER 112
Kumana si LaMarcus Aldridge ng season-high 39 points sa 19-for-23 shooting nang putulin ng San Antonio ang two-game losing streak sa pamamagitan ng panalo kontra bumibisitang Oklahoma City.
Umabante ang Spurs ng walong puntos papasok sa fourth quarter at hindi na lumingon pa.
HEAT 124,
SUNS 108
Naiposte ni Jimmy Butler ang 30 sa kanyang 34 points sa first half at naitala ni Goran Dragic ang 20 sa kanyang 25 points sa second half nang igupo ng Miami ang Phoenix upang putulin ang three-game winning streak ng Suns.
Nagsalansan si Bam Adebayo ng 15 points, 10 rebounds, 6 assists at 5 steals, umiskor si Tyler Herro ng 15 points mula sa bench, at nagdagdag si Kendrick Nunn ng 11 para sa Heat, na sa 6-2 ay nasa kanilang pinakamagandang simula magmula nang magwagi ang koponan ng anim sa kanilang unang walo noong 2012-2013 season.
Naipasok ni Butler ang 11 of 16 field-goal attempts at gumawa si Dragic ng 9 of 16 upang tulungan ang Heat na bumuslo ng 54.9 percent mula sa field at 53.6 percent mula sa 3-point line, kung saan nagtala sila ng 15 of 28. Napantayan ni Dragic ang kanyang season high sa points at nagsalpak ng limang 3-pointers kung saan ang Heat ang unang koponan na naka-outshoot sa Suns ngayong season. Ang Suns ay bumuslo ng 44.0 percent.
Comments are closed.