NAITALA ni LeBron James ang 19 sa kanyang 34 points sa fourth quarter at tumapos si Anthony Davis na may 20 points at 12 rebounds habang nalusutan ng bisitang Los Angeles Lakers ang 21-point deficit sa final period upang maitakas ang 116-112 panalo laban sa short-handed Los Angeles Clippers noong Miyerkoles.
Umiskor si D’Angelo Russell ng 18 points at nagdagdag si Rui Hachimura ng 17 para sa Lakers na tinalo ang Clippers sa ikatlong pagkakataon sa apat na laro at nanalo sa season series sa pagitan ng dalawang koponan magmula noong 2011-12. Ang Clippers ay nanalo ng 11 sunod papasok sa season na ito.
Bumuslo si James ng 7 of 12 mula sa floor sa fourth quarter, 5 of 8 mula sa 3-point range. Siya ay 2 of 4 mula sa long distance sa unang tatlong quarters. Na-outscore ni James ang Clippers ng 3 points sa final period.
Tumipa si Kawhi Leonard ng 26 points at nagdagdag si James Harden ng 23 para sa Clippers na natalo sa ika-5 pagkakataon sa kanilang huling walong laro. May tsansa si Leonard na itabla ang laro, may pitong segundo ang nalalabi, subalit kapos ang kanyang tira kontra James.
Umiskor si Terance Mann ng 16 points at nagdagdag si Norman Powell ng 14 para sa Clippers, na naglaro na wala sina Paul George (knee) sa ikalawang sunod na game at Ivica Zubac (illness).
Nuggets 117, Kings 96
Nagsalansan si Nikola Jokic ng 14 points, 14 rebounds at 11 assists at sumandig ang host Denver Nuggets sa dominating stretch sa second at third quarters upang gapiin ang short-handed Sacramento Kings.
Nagtala si Jokic, na hindi ipinasok sa fourth quarter ng blowout, ng triple-doubles sa kanyang huling apat na laro, na nagbigay sa kanya ng 19 sa season. Tinulungan niya ang Denver na makaiwas na mawalis sa four-game season series kontra Sacramento.
Nagtala si Jamal Murray ng 32 points sa 13-for-15 shooting para sa Nuggets.
Nakakolekta si Aaron Gordon ng 17 points, nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 16 points at tumapos si Michael Porter Jr. na may 14 points para sa Nuggets, na nanalo ng apat na sunod matapos ang All-Star break.
Hindi nakapaglaro si De’Aaron Fox, na pinangunahan ang Kings sa tatlong panalo kontra Denver na may average na 23.6 points at 11.3 assists, dahil sa left knee contusion.
Gumawa si Keegan Murray ng 21 points, tumipa si Chris Duarte ng 18, nag-ambag si Malik Monk ng 14 points at tumapos si Domantas Sabonis na may 13 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Sacramento
Bulls 132, Cavaliers 123
Nagbuhos si DeMar DeRozan ng 35 points at 10 rebounds, nagdagdag si Nikola Vucevic ng 24 points at 13 rebounds, at pinataob ng Chicago Bulls ang bisitang Cleveland Cavaliers sa double-overtime.
Kumana si Ayo Dosunmu ng 21 points at kumabig si Andre Drummond ng 17 points at kumalawit ng season-high 26 rebounds para sa Chicago, na kinamada ang unang walong puntos sa double overtime.
Nakalikom si Coby White ng 14 points at 12 rebounds, at nagdagdag si rookie Onuralp Bitim ng career-high 10 points.
Na-outrebound ng Chicago ang Cleveland, 74-39, at pinutol ang seven-game losing streak laban sa Cavaliers.
Nanguna si Evan Mobley para sa Cleveland na may 25 points at 13 rebounds, habang kumana si Darius Garland ng season-high seven 3-pointers at umiskor ng 23 points. Nagdagdag si Donovan Mitchell ng 19 points, nag-ambag si Caris LeVert ng 14 points at career-high 15 assists, tumabo
si Isaac Okoro ng 13, at nagtala sina Jarrett Allen at Max Strus ng tig-11.