CLOSED-CIRCUIT PBA TOURNEY IKINAKASA

Willie Marcial

MATAPOS ang bubble tourney sa Clark, maaaring isunod ng PBA ang isang closed-circuit concept sa pagsisimula ng Season 46 nito sa Abril.

“If vaccine is not yet available, we’ll likely go for closed-circuit which we had implemented in our return to practices prior to the Clark bubble tourney,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.

“Closed-circuit concept is a lot more lenient, requiring home-venue-home scheme; not lockdown in one place for the entire delegation as what we did in Clark,” paliwanag ni Marcial.

Naging matagumpay ang  Clark bubble subalit nangailangan ito ng malaking halaga (P65 million sa loob ng dalawa at kalahating buwan) at ng matinding sakripisyo at kasipagan mula sa lahat ng may kinalaman sa torneo.

Isang mabigat na isyu rin ang mental health sa bubble.

“Mahirap. Nakita ko na nahirapan ang mga players lalo na noong first months,” sabi ni Marcial patungkol sa kanilang naging karanasan sa Clark bubble na pinagharian ng Barangay Ginebra.

Aniya, magiging mas madali ang mga bagay-bagay kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 bago ang Abril.

Habang wala pang bakuna laban sa virus, ipatutupad pa rin ng liga ang strict measures bilang pagsunod sa  guidelines at protocols na itinakda ng pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat.

At wala pa ring katiyakan kung magiging buong three-conference season ang liga nang walang bakuna.

“We’ll be observing a wait and see attitude,” ani Marcial.

Comments are closed.