CLOUD SEEDING OPS SIMULA NA

CLOUD SEEDING-2

TINALAKAY na sa pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsasagawa ng cloud seeding operations.

Ito ay sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon kung saan lubhang apektado ang sektor ng agrikultura.

Sa pagpupulong na isinagawa kahapon, iniulat ng Department of Agriculture (DA) na dahil sa epekto ng El Niño ay umabot na sa P464.3 million ang production loss at P22.918 million ang volume loss sa agrikultura na naitala nitong Marso 8, 2019 dahil sa tagtuyot.

Batay sa report na inilabas ng DA, nasa 13,679 ektarya ng pananim at 13,679 magsasaka sa regions: 9, 10, 11, 12, Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao, ang apektado ng kakulan-gan sa tubig.

Bunsod nito, ipinalabas na ng DA ang kabuuang P18.3 milyon sa kanilang mga regional office para sa cloud seeding operations sa tulong ng Philippine Air Force.

Matapos ang isinagawang joint area assessment, inirekomendang isagawa ang cloud seeding opera-tions sa Regions 2 at 12 mula  kahapon, Marso 14 hanggang May 21, 2019.  BENEDICT A. JR.