MASAKLAP ang nangyari kay coach Louie Alas, dating head coach ng Phoenix Super LGP Fuel Masters. Pagkatapos ng 15-day suspension sa kanya ng management dahil hindi ito nakasunod sa health protocol ng team, nagdesisyon ang kompanya na hindi na ipagpatuloy ang serbisyo ni Alas bilang head coach ng team at pansamantalang ang asst. coach niyang si Topex Robinson ang mamamahala sa koponan sa nalalapit na opening ng 45th season ng PBA Philippine Cup.
Nais kasi ng management na maging maganda ang kalagayan ng team ngayong conference kung saan target nila na makapasok sa semis.
o0o
Wala naman kayang balaak ang Phoenix Super LPG na kunin ang kalibre ni Aldin Ayo na pinatawan ng indifinite ban ng UAAP? Walang hawak na team ang coach, kung may magkaka-interes sa NCAA league ay willing naman ito. Mahusay si coach Ayo na humawak ng team, ‘yun nga lang kasi sa mga bata, parang ayaw na sa kanya dahil parang nasakal itong mga collegiate player. Hindi sa sipsip ako kay Ayo, kaya na nitong humawak ng isang PBA team. Good luck, coach Aldin.
o0o
Gulay at mga pagkaing probinsya ang kinakain ni Vic Manuel ng Alaska Aces kung kaya malakas ang pangangatawan nito at bato-bato. Laki sa harap si Manuel kaya kahit ano ang kainin ay puwede sa kanya. Wala siyang arte sa pagkain, kahit palakang bukid ay kinakain ng PBA player. Mula sa Nueva Ecija ang pamilya ni Vic.
Speaking of Vic Manuel, interesado ang SMC group na makuha ang kaliibre nito. Lalo na ang Ginebra at San Miguel Beer. Ang tanong lang, sino ang ibibigay ng Gin Kings at Beermen kung sakaling pumayag ang Alaska na pakawalan si Manuel. Malamang ay hindi basta-basta bibitiwan ng Alaska si Manuel na dapat ay matindi ang kapalit nito. Ang dating player ng PSBA ay 38-anyos na, medyo nagkakaedad na rin.
Comments are closed.