ANG isa pang dapat pasalamatan ni Carlos Yulo ay ang pinusuan ng netizens na si Coach Hazel Calawod na isa pang naging dahilan ng tagumpay ni Caloy sa kanyang Olympic journey sa Paris.
Bukod sa mga mentor na sina Coach Allen Castañeda at Munehiro Kugimiya, hinangaan at pinasalamatan din si Coach Hazel ng mga Pinoy dahil isa siya sa humubog sa pinaka-magaling na atletang Pilipino sa kasaysayan ng Pilipinas na nanalo ng gintong medalya sa magkasunod na araw.
Si Calawod ay ang sports physiotherapist and strength and conditioning coach ni Yulo.
Siya ay nagtapos sa mga prestihiyosong paaralan na Harvard University at University of the Philippines. Founder din siya ng NeuroBalance and Precision Sports Therapy.
RUBEN FUENTES