PARA matukoy ang danyos na dulot ng Bagyong Odette, nagsagawa ng aerial survey ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Pag-asa Island para makita ang kabuuang pinsalang naiduot ng Typhoon Odette.
Lulan ng Cessna Caravan 2081 kita ang matinding pinsalang naidulot ng bagyo sa mga gusali at istraktura sa isla.
Hindi naman nagtamo ng matinding pinsala ang evacuation center na kasalukuyang sinisilungan ng mga apektadong pamilya.
Pagkatapos ng aerial survey, agad na nakipagpulong ang PCG sa iba pang ahensya ng gobyerno para agad na makapaghatid ng kinakailangang tulong sa Isla ng Pag-asa.