COCAINE NAPADPAD SA N. ECIJA WATERS

COCAINE-3

HINDI lamang sa eastern seaboards ng Philippine waters ang kinatatagpuan ng mga naglulutangang cocaine kundi umabot na ito sa sa northern seaboards partikular sa katubigang sakop ng Central Luzon.

Ito ay nang matag­puan ng isang mangingisda sa karagatan ng Gabaldon, Nueva Ecija ang isang bloke ng umano’y cocaine dakong ala-1 ng hapon noong Linggo.

Nangisda ang lalaki sa Dingalan Aurora at sa pagbalik sa kanilang bahay sa Gabaldon ay nakita ang palutang-lutang na  cocaine na nakabalot ng rubber tape.

Agad niyang itinurnover sa Gabaldon Municipal Police Station ang droga na may bigat na isang kilo at nagkakahalaga ng P5 milyon.

Dinala naman ni Sr. Insp. Sandy Bautista, hepe ng Gabaldon MPS sa crime laboratory sa Nueva Ecija Provincial Police ang kontrabando.

Magugunitang, sunod-sunod ang pagkakatagpo ng mga nag­lulutangang cocaine sa katubigan ng Filipinas kung saan ang mga naunang natagpuan ay sa Vinzons, Camarines Norte na sinundan sa Siargao Island, Dinagat Island, Paracale sa Camarines Norte at tatlong beses sa lalawigan ng Quezon, Tandag City, at Surigao del Norte. EUNICE C.

Comments are closed.