COCO MARTIN & JULIA MONTES PARTNERS KAHIT SAAN

Partners daw sina Coco Martin at Julia Montes sa lahat ng aspeto ng buhay.

Kinukunsulta raw nila ang isa’t isa sa mga desisyon malaki man ito o maliit. Nakagawian na raw nilang magkwentuhan bago matulog.

“Minsan, pag gabi, talagang dadaldalin ko yan… Pag may pictorial, ipapakita ko kagaad sa kanya, ipagyayabang ko…

“Masarap na sini-share mo sa partner mo kung anong nangyayari sa buhay mo,” ani Coco.

Sabay umano nilang inaabot ang kanilang mga pangarap.

“Sa buhay, kaila­ngan ang hinahanap mo, partner sa lahat ng ginagawa,” aniya. “At kung meron akong pupuntahan, parang feeling ko hindi ako maligaya pag hindi kami magkasama.

Nasa punto si Coco ng kanyang buhay na handa na siyang magbahagi ng magandang samahan nila ni Julia.