(Ni CS SALUD)
MAGANDANG balat, iyan ang inaasam-asam ng marami sa atin. Hindi lamang mga babae ang naghahangad na magka-roon ng youthful skin kundi maging ang kalalakihan.
Sa panahon nga naman ngayon, dalawang bagay ang inaasam-asam ng bawat isa sa atin—una ay ang pagkakaroon ng magan-dang bahay, at ang ikalawa naman, ang pagkakaroon ng magandang mukha.
At dahil sa kanaisan ng ilan na magmukhang bata at maiwasan ang paglabas ng wrinkles at iba pang senyales ng pagtanda, lahat ay ginagawa nila upang ma-preserve ang kanilang youthful skin.
Ngunit sa panahon ngayon na lantad tayo sa polusyon at iba’t ibang problema gaya ng stress, hindi maiiwasang mag-reflect ito sa ating kabuuan. Kaya naman, marami ngayon ang nahihilig sa collagen.
Maraming benepisyo ang collagen sa ating katawan. Unang-una na nga riyan ay nakagaganda ito ng skin. Naiiwasan nito ang iba’t ibang senyales ng pagtanda.
Bukod pa sa nabanggit, mainam din ito sa gut health, nababawasan ang hair loss, prevent bone loss, enhance heart health, boost muscle mass, improve skin elasticity at nakare-reduce ng joint pain.
Kaya’t sa benepisyo ng collagen lalo na skin, mainam itong isama sa diyeta.
May iba’t ibang klase ng collagen ang mabibili sa merkado, mayroong powder at may tablets/capsules din.
Pero bukod sa mga nabanggit, may mga pagkain ding nagtataglay ng collagen gaya ng mga sumusunod:
BONE BROTH
Nangunguna sa ating listahan ang bone broth. Puwede ka nga namang magpakulo ng buto-buto. Iyon nga lang ay kailangang matagal itong pakukuluan nang makuha ang collagen na taglay nito.
ITLOG
Kung ikaw naman ang tipo ng taong walang panahong magpakulo ng buto-buto, swak din namang kahiligan ang itlog. Isa sa nangungunang pagkain na nagtataglay ng collagen ang itlog at egg whites.
Madali pa itong lutuin at abot-kaya sa bulsa.
CITRUS FRUITS
Pagdating naman sa prutas, swak namang kahiligan ang citrus fruits gaya ng orange, limes, lemons at grapefruits. Ang taglay ni-tong vitamin C ay tumutulong sa amino acid upang makapag-produce ng collagen.
AVOCADOS
Para rin mapanatiling maganda ang skin at hair, mainam din kahiligan ang avocado.
Marami rin namang recipe ang puwedeng gawin sa avocado. Maaari itong gawing shake na swak na swak kapag mainit ang panahon. Puwede rin ito pam-breakfast. Kumbaga, kung nag-iisip ka ng magandang pagkaing mayaman sa collagen, maaari kang gumawa ng avocado toast na may itlog sa ibabaw.
CARROTS AT SWEET POTATOES
Ang mga gulay rin na orange ang kulay ay mainam kahiligan dahil nagre-restore at regenerate ito ng damage collagen dahil sa taglay nitong vitamin A.
DARK GREEN VEGETABLES
Isa pa sa mainam kahiligan na mayaman sa collagen ang dark green vegetables. Sa ilang pag-aaral, lumabas na ang chlorophyll ay nagpapataas ng procollagen (precursor to collagen formation) sa balat.
WHITE TEA
Ayon naman sa ginawang research ng Kingston University and Neal’s Yard Remedies, ang white tea ay nagpoprotekta sa struc-tural protein ng balat lalo na ang collagen. Pinaniniwalaan din itong nakapagpe-prevent ng enzymes activity na dahilan upang mag-break down ang collagen o ang pagkakaroon ng lines at wrinkles.
TOMATOES
Isa pa sa masarap kahiligan ay ang tomatoes. Nagtatagaly ito ng lycopene, isang amino acid na nagpoprotekta sa balat mula sa sikat ng araw.
Kaya’t ang pagdaragdag ng tomatoes sa diyeta ay nakatutulong upang ma-preserve ang youthful skin.
Bakit pa nga naman tayo bibili ng powder o tablets na collagen kung maaari naman itong makuha sa pagkain. (photos mula sa medicalnewstoday, slenderkitchen, thespruceets)
Comments are closed.