COLLECTION TARGET NAHIGITAN NG BOC NOONG AGOSTO

BOC

NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang revenue target nito para sa Agosto makaraang paigtingin ng ahensiya ang pangongolekta.

Sa isang statement, sinabi ng BOC na nakakolekta ito ng P44.631 billion noong nakaraang buwan kung saan nahigitan nito ang target na P33.675 billion ng 32.53% o P10.956 billion.

Ayon sa Customs, ito ang ikatlong sunod na buwan magmula noong Hunyo na nahigitan ng ahensiya ang revenue goal nito.

“The BOC’s positive revenue collection performance is attributed to the improved valuation and intensified collection efforts of all the ports,” pahayag ng ahensiya.

Tinukoy ang preliminary report mula sa Financial Service division nito, sinabi ng BOC na siyam sa 17 collection districts ang nalagpasan ang kanilang  target noong Agosto. Ang mga ito ay ports of Tacloban, Zamboanga, Aparri, Limay, Clark, Cebu, Subic, Cagayan De Oro, at Davao.

Pinuri ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang collective effort ng district collectors at personnel ng BOC, na sa kabila ng panganib sa kanilang kalusugan at kaligtasan ay nagpakita ng matinding commitment at dedikasyon sa serbisyo.

Comments are closed.