NAHIGITAN ng Bureau of Customs (BOC) ang collection target nito para sa Nobyembre.
“For November, supposedly our target is P74.249 billion but then we got P75.338 billion. It’s 1.5% or about P1.09 billion surplus for the November target,” wika ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Dahil sa November collection ng BOC, ang year-to-date revenues ng ahensiya ay umabot na sa P813.61 billion.
Nalampasan din ng January-November revenue ng BOC ang target nito na P795.966 ng 2.2% sa naturang panahon.
Year-on-year, ang 11-month 2023 revenue performance ng ahensiya ay tumaas ng 3.09% or mas mataas ng P24 billion kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Rubio, ang pagtaas ng revenue ng BOC ay dahil sa masigasig na pangongolekta ng buwis, partikular ang mahigpit na assessment at inspection para madetermina ang wastong paghahalaga ng imported products na papasok ng Pilipinas..
Para sa buong taon ay target ng BOC na makakolekta ng P974.2 billion.
Kumpiyansa si Rubio na makakamit ng BOC ang revenue target nito at hindi malayong malampasan pa dahil nakakolekta na ang ahensiya ng P826 billion hanggang December 5, 2023.