COMELEC, DSWD SANIB-PUWERSA SA VOTER EDUCATION AT ACM DEMO SA TONDO

NAGSANIB – PUWERSA ang Commission on Elections (Comelec) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsasagawa ng isang voter education lecture na may temang “Voter’s Rights and Responsibilities” at demonstration ng Automated Counting Machine (ACM) para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Tondo, Manila.

Layunin nito na ipa­alam sa mga benepisyaryo ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang mga botante pati na rin ang tamang paggamit ng ACM na gagamitin sa darating na 2025 National, Local and Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Dumalo sa naturang aktibidad si Commissioner Socorro B. In­ting bilang pangunahing tagapagsalita kasama sina Atty. Abigail Claire F. Carbero-Llacuna, Director III ng Education and Information Department, Atty. Jubil S. Surmieda, NCR Regional Election Director at Ruel Cervantes, Social Worker Officer IV ng DSWD.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Comelec at DSWD na mapalawig ang kaalaman ng mga Pilipino ukol sa tamang pagboto at matiyak ang patas at maayos na halalan.

RUBEN FUENTES