INILABAS na ng Commission on Elections (Comelec) ang scheduled activities para sa 2025 mid-term national and local elections.
Sa ilalim ng Resolution No. 10999, ang Comelec en banc ay itinakda ang election period mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025.
Sa panahong ito ay paiiralin ang gun ban sa buong bansa.
Ang 90-day campaign period para sa mga kandidato para sa senator at party-lists ay magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Mayo 10 sa susunod na taon.
Ayon sa Comelec, ang mga kandidato sa lokal ay mayroong 45 araw para mangampanya mula Marso 28 hanggang Mayo 10.
Ang mga Pinoy sa abroad ay maaring bumoto ng mula Abril 13 hanggang Mayo 12, habang ang local absentee voting ay nakatakda mula Abril 28 hanggang 30.
Maaring mag-file ng kanilang certificates of candidacy (COCs) ang mga kandidato para sa nasyunal at lokal mula Oktubre 1 hanggang 8.
Maari ring mag-file na ng kanilang Certificates of Nomination and Acceptance of Nomination (CON-CAN) ang party-lists groups sa period na ito habang ang mga substitute candidates ay mayroong hanggang Oktubre 1 para sa paghaharap ng kanilang COCs.
Nakatakda ang mid-term election sa Mayo 12, 2025.