MAY 21 airports na ang binigyan ng clearance ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magbukas, ngunit limang airport pa lamang ang nag-resume ng kanilang commercial flight mula noong nakaraang linggo.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, dahil sa COVID-19 ay walang pasahero na sumasakay dahil umano sa takot.
Dahil dito ay nagdadalawang isip ang ilang local airlines sa kanilang mga flight schedule dahil walang pasahero na naglalakas ng loob na magbiyahe habang umiiral ang pandemya.
Ayon pa kay Apolonio, inaasahan na magbubukas sa commercial flight sa lalong madaling panahon ang mga airport ng Cauayan, Palanan, Jolo, Masbate at Ozamiz.
Nag-resume na rin ang 16 airports ng commercial flights kabilang dito ang Romblon, Naga, NAIA, Clark, Laguindingan, Dipolog, Pagadian, Cotabato, Zamboanga, Davao, General Santos, Puerto Princesa, Ligazpi, San Jose, Virac at Basco.
Nitong Hulyo 1 ay nagbalik-operasyon para sa commercial flight ang Philippine Airlines, Cebu Pacific Air at AirAsia Philippines.
Kasama rin sa magbubukas sa Hulyo 10 ng commercial flight ang mga airport ng Tacloban, Ormoc, Catbalogan, Catarman, at Borongan. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.