COMMUNITY SERVICE SA ‘DI MAGSUSUOT NG FACE SHIELD

community service

NAKIUSAP si COVID-19 National Task Force Spokesperson Ret. Maj. Gen Restituto Padilla Jr. na magsuot ng face shield ang publiko tuwing lalabas ng kanilang mga bahay bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID.

Ani Padilla, dapat maging katuwang ng COVID-19 task force ang local government units (LGUs) para tiyaking maipapatupad ito.

Puwede aniyang maglabas ng ordinansa ang mga LGU upang higpitan ang paggamit ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.

Gayunman, hindi na kailangang ikulong ang lalabag dito.

Payag naman ang karamihan sa publiko sa suhestiyon ni Padilla ngunit mananatiling suhestiyon lamang umano ito kung walang nakalaang parusa.

Suhestiyon nila, kahit mas magiging compassionate ang mga awtoridad sa kanilang mahuhuling lalabag ay dapat pa rin silang mag-community service.

Unang ni-require ng pamahalaan ang pagsusuot ng face shiled sa loob ng mga establisimiyento, base sa projection ng OCTA Research group na pag-akyat ang bilang ng kaso ng deadly virus sa bansa.

Tinatayang aabot ng hanggang kalahating milyon ang mga kaso ng  COVID bago matapos ang 2020.

Hinikayat na rin ng OCTA Research ang national at lokal na gobyerno na magtulungan upang kontrolin ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng testing, contact tracing, isolation at quarantine.

Ayon sa nga mamamayan na nainterbyu ng Pilipino Mirror, mas magiging epektibo ang pag-iingat kung magiging mahigpit ang pagpapatupad nito sa mga barangay.

Dapat ding maipatupad ito sa mga targeted lockdowns para maiwasan ang malawakang pagkalat ng virus sa mga komunidad lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan. . – NENET L.  VILLAFANIA

Comments are closed.