CONDO NILOOBAN: 1 CHINESE PATAY, 2 SUGATAN

baril

PATAY ang isang Chinese national habang dalawa ang sugatan kabilang ang isang suspek na nagtangkang magnakaw sa isang condominium kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Colonel Cesar Padayos ang biktimang dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) sanhi ng tinamong tama ng bala sa likuran ng ulo at kanang bahagi ng tiyan na si Wang Wei, 36-anyos, residente ng Anxin Condominium, 2741-A Barangay 84, Taft Avenue, Pasay City.

Sugatan naman ang isa pang biktima na naki­lalang si Han Lu, 48-anyos, Chinese national ng Anxin Condominium, 2741-A Barangay 84, Taft Avenue, Pasay City na nagtamo ng tama ng bala sa kanang binti at ang isa sa mga suspek na si Kenneth Padilla y Aguinaldo, 23-anyos, delivery rider ng Food Panda at residente ng P. Zamora St., Barangay 104, Pasay City, na mayroon ding tama ng bala sa tiyan at likuran na kapwa ginagamot sa PCGH.

Ang apat pang biktima na nakuhanan ng mga cellphone at cash ay kinilalang sina Chen Nou, 23-anyos at Chin Nuo, 23-anyos, residente ng Room 501 Anxin condominium; Chun Li, 20-anyos, ng Room 301 Anxin Condominium at Andy Ang, 30-anyos, Fili-Chinese national at residente ng Room 103 ng naturang condominium.

Base sa report, nangyari ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa Anxin Condominium na kung saan kakain na sana ng kanyang hapunan ang stay-in security guard na si Reynan Gandamon y Impel, 38-anyos, residente ng Parada, Valenzuela City nang may kumatok sa gate na isang residente at pagbukas nito ay mabilis na pumasok ang mga suspek na armado ng kalibre .38 rebolber at .9mm pistola na nagdeklara ng hold-up.

Unang pinasok ng mga suspek ang  Unit 103 kung saan kinuha ang pera at cellphone ng dalawang biktimang chinese at umakyat sa ikalimang palapag ng condo kung saan naabutan ng mga ito ang tatlong pang biktima at nagdeklara ng holdap.

Habang nakatutok ang baril ng mga suspek sa tatlong biktima inutos na itaas ang kanilang mga kamay at pumunta sa isang sulok ng Unit.

Sa pagkakataong ito, nakakuha ng tiyempo si Chen Nou na agawin ang baril ni Padilla at nang maagaw ay agad na naagaw pinutukan si Padilla na tinamaan sa likod at tiyan.

Tinangka ring agawin ni Wang Wei ang baril ng isang pang suspek ngunit hindi ito nakuha kung kaya’t binaril ito ng dalawang beses na tinamaan sa kanang tiyan at likurang bahagi ng ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Matapos ang agawan ng baril, mabilis na nagsitakas ang mga suspek na iniwan na lamang ang sugatang kasamahan na si Padilla.

Sa pagdating ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ng Pasay City police ay nakarecover ang mga ito ng 1 caliber.38 revolver at isang .9mm pistol na ginamit sa panghoholdap at ang mga fired cartridges cases.

Patuloy ang imbestigasyon ng Pasay City police sa naturang kaso habang inihahanda naman ang kaukulang kaso na isasampa kay Padilla sa Pasay City prosecutor’s office. MARIVIC FERNANDEZ

3 thoughts on “CONDO NILOOBAN: 1 CHINESE PATAY, 2 SUGATAN”

  1. 149159 939161Wonderful humans speeches and toasts, possibly toasts. are hands down transferred at some time by way of party and expected to turn into very funny, amusing not to mention educational inside the mean time. best man wedding speeches 136706

Comments are closed.