CONG. LORD ALLAN VELASCO, SPEAKER NA, CAYETANO, NAGBITIW NA

REP VELASCO

Pormal nang naupo bilang Speaker ng Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Mismong si Velasco ang nag-preside para sa muling pagbubukas ng sesyon sa Kamara kasunod na rin ng pagpapatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng special session para aprubahan ang 2021 General Appropriations Bill.

Agad na nagmosyon si Pampanga Rep. Rimpy Bondoc para magsagawa muli ng nominal voting sa mga kaalyadong kongresista upang gawin nang opisyal ang naunang botohang ginanap sa Celebrity Sports Plaza.

Agad ding niratipikahan ang 186 affirmative votes upang pormal nang kilalanin na Speaker ng Kamara si Velasco.

Samantala, nag-concede na rin at nagbitiw na bilang Speaker ng Kamara si Taguig-Pateroa Rep. Alan Peter Cayetano.

Sa Facebook live ni Cayetano, sinabi nito na ihahain na niya ang kanyang “irrevocable resignation”.

Bago ang paghayag sa kanyang pagbibitiw ay humingi muna ito ng paumanhin kay Pangulong Rodrigo Duterte kung nagkamali siya ng interpretasyon na tapusin muna ang 2021 national budget.

Paliwanag ni Cayetano, hindi niya intensyon na suwayin ang utos ng Pangulo. CONDE BATAC

Comments are closed.