ISA sa mahuhusay na rookie player na naglalaro ngayon itong si Robert Bolick, dating player ng San Beda Red Lions. Si Bolick ay inaasahan din ni coach Pido Jarencio ng NorthPort Batang Pier. Sa huling laro ng Batang Pier, si Bolick ang naging susi sa panalo ng koponan kontra crowd favorite Barangay Ginebra, 100-97, noong Linggo sa Araneta Colise-um. Isang malakas na 3-point bomb ang pinasabog ni Bolick upang bigyan ng malaking momentum ang kanilang team.
Ayon kay Bolick, “Ibinigay ko lang ‘yung best ko para tulungan ang team namin. Dito kasi sa amin tulungan, suportahan ang bawat isa”. Sa umpisa pa lang naman ay malaki na ang kumpiyansa ng basketbolista dahil sa tiwala na ibinibigay sa kanya ni coach Jarencio. Kaya naman kada laro ay patay kung patay ang ipina-kikita niya. Very inspired din ang basketbolista dahil sa kada laro ay present ang kanyang nobyang volleyball player na si Ms. Aby Marano. Ang NorthPort ay pasok na sa quarterfinals.
Dumating na sa Estados Unidos si Kai Sotto, kasama ang kanyang butihing ama na si Ervin Sotto. Unang masusubukan ang laro ng 7’2 player sa Fiba under 19, World Cup 2019 na gagawin sa Greece sa June 29 hanggang July 7. Posibleng sabihin agad ni Kai kung saang koponan siya makapaglalaro pagkatapos iwanan ang Ateneo Blue Eaglets. Sa Emory Sports Medicine Complex, kilalang training facility sa NBA team na Atlanta Hawks, magsasanay ang 16-anyos na manlalaro.
Samantala, limang European teams ang nagkakainteres kay Sotto. Ang mga ito ay ang Barcelona, Real Madrid, Baskonia, Estu-diantes, at Alba Berlin. Noong Disyembre 2018 ay tumungo sa Europe si Kai, kasama ang ama nitong si Ervin. Ang pagkakaalam namin ay sa Spain sila pumunta. Sinabi naman ni Ervin na anumang oras na kailanganin ang anak para maglaro sa Pinas ay handa itong maglaro kung saan sa pinirmahan nilang kontrata ay lalaro ang batang Sotto sa Gilas upang tulungan ang bansa.
Matagal pa ang simula ng 3rd season ng Maharlika Pilipinas Basketball League pero abala na si coach John Kallos ng Caloocan Supremos sa paghahanap ng kanilang makakatulong sa team. Ang inyong lingkod ay tubong-Caloocan kaya dapat lamang na su-portahan ko ito. Welcome ang Fitline, isa sa makakasama ng Long rich para maipagpatuloy ng Supremos ang pakikibaka sa 2019-2020 MPBL. Ang Fitline ay isang juice na nakapagbibigay ng lakas sa katawan, nakapagbibilis ng metabolism, at nakatutulong para tunawin ang mga taba-taba natin.
Matagal na rin naman sa basketball si Aries Dimaunahan. At panahon na upang bigyan siya ng pagkakataon na maging head coach ng Blackwatee Elite. Pinalitan ni Dimaunahan si coach Bong Ramos. Tsika ng On The Spot, si Mr. Silliman Sy ang pumili kay Aries para pangunahan ang Elite sa next conference. Si Mr. Silliman ay isa sa team owners ng Blackwater at kapatid ni Mr Dioceldo Sy. Si Dimaunahan ay dating player ng Ginebra at matagal na rin naman siyang asst. coach ng Elite na panahon pa ni coach Leo Isaac. Blessing dahil next conference ay lalakas na rin ang Blackwater, maglalaro na sa kanila si Ray Parks. Si Parks ay anak ng 4-time Best Import na si Bobby Parks na sumakabilang-buhay na. Ang team ni Ray na Alab Pilipinas ay hindi sinuwerteng makapaglaro sa finals. Tinalo ang Alab ng koponan ng Hongkong sa Cebu City. Sa April 8, magre-resume ng practice ang Black-water. Subalit magpapahinga muna si Parks bago sumabak sa ensayo ang kanyang PBA mother team.
Comments are closed.