CONTACT TRACING IKINASA SA MPD, PULIS POSITIBO SA COVID-19

Coronavirus

NAGSAGAWA ng contact tracing ang Manila Police Diatrict (MPD) sa mga tao o nakasalamuha ng isa nilang tauhan na nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).

Ikinokonsiderang Person Under Investigation (PIU)  kaugnay sa  nakakahawang COVID 19 ang pulis.

Dinala ang nasabing police personnel sa St Luke’s Medical Center noong Marso  17, 2020 at  isinailalim sa pagsusuri at kinuhanan ng swab specimen para masuri ng Research Institutes for Tropical Medicine ng nasabi ding araw.

Nabatid na ang nasabing kaso ng hindi pa kinilalang pulis ay  ibinahagi sa DHS, MPD at tuloy tuloy na tinututukan ni P/LtCol Exodus Gil pinuno ng MPD Health Service .

Napag-alamang na nitong Marso 23, 2020 inilbas ng RITM na positibo sa COVID 19 ang ginawang pagsusuri sa isinumiteng specimen ng hindi muna kinilalang pulis.

Kaugnay nito humiling ng panalangin si P/Col Carlo Magno Manuel taga pagsalita ng MPD na gumaling ang pulis na may ranggong patrol-man. VERLIN RUIZ

Comments are closed.