Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
3 p.m. – Phoenix vs Blackwater
5:45 p.m. – Rain or Shine vs TNT
PINATUNAYAN ni Jamaal Franklin na hindi nagkamali si coach Aldin Ayo sa pagkuha sa kanya kapalit ni New Zealander Ethan Rusbach makaraang matagumpay na dalhin ang Converge sa ikalawang sunod na panalo sa 130-115 pagdispatsa sa Terrafirma sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Philsport Arena sa Pasig.
Nagbuhos ang 31-anyos na Californian NBA veteran na naglaro sa Memphis Grizzles ng 42 points, kabilang ang 7 tres, 11 rebounds, at 8 assists sa kanyang debut at binigo ang ambisyon ni Jordan Williams na bitbitin ang Terrafirma sa panalo
Kumolekta si Williams ng 46 points subalit hindi nakakuha ng solidong suporta sa kanyang local teammates.
Sa panalo ay nakuha ng FiberXers ang maagang liderato na may 2-0 kartada at pinalakas ang title campaign sa Governors’ Cup na hawak ng bagong Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra.
Na-outscore ni Williams si Franklin sa unang tatlong quarters, 30-25, subalit bigo itong madala ang Dyip sa panalo.
Lumamang ang Converge sa 114-100 at 124-106 sa krusyal na fourth period at hindi na lumingon pa.
Lumaban at nakipagsabayan ang Dyip na pinalakas ni dating Ginebra at NorthPort player Kevin Ferrer, katuwang si dating San Miguel Beer player Alex Cabagnot.
“Sana ma-sustain ang laro at magtuloy-tuloy ito sa susunod na mga laro,” sabi ni coach Ayo.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Converge (130) – Franklin 42, Ahanmisi 16, Arana 15, Teng 15, Stockton 10, Browne 9, Racal 6, Balanza 4, Murrell 3, Tratter 3, Ambohot 0, Ebona 0, Tolomia 0.
Terrafirma (115) – Williams 46, Tiongson 18, Cabagnot 11, Ferrer 10, Ramos 10, Camcon 7, Cahilig 3, Gabayni 3, Mina 3, Gomez de Liano 2, Daquioag 0, Calvo 0.
QS: 36-33, 68-71, 100-92, 130-115.