CORRUPT AT WORST AGENCIES PINANGALANAN NG PACC

PACC Commissioner Greco Belgica-2

‘NO holds barred’ o walang takot na pina­ngalanan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga tinaguriang worst agency na umano’y sangkot din sa korupsiyon sa pamahalaan.

Inisa-isa ni PACC Commissioner Greco Belgica ang ilan sa mga ahensiya ng pamahalaan na madalas maisumbong na may kinalaman sa korupsiyon.

Ayon kay Belgica, ang mga inilabas nilang ahensiya ay pawang base sa mga natatanggap nilang sumbong, maging ang mga kinakitaan ng ilang ebidensya.

Pinakamaraming reklamong natatanggap ay ang Bureau of Customs (BOC), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department Of Environment and Natural Resources (DENR).

Aniya, nasa 1000 mahigit na sumbong na ang kanilang natatanggap kung saan 80 sa mga ito ay nakasuhan na, habang nasa mahigit 40 na ang nasibak at na suspinde.

Sinabi rin ni Belgica na karamihan sa mga rek­lamo na kanilang natatanggap ay walang mga ebidensya, kaya’t hindi maaksiyunan.

Kaugnay nito, nag­lunsad din si Belgica ng PEOPLES DAY kung saan maaring pumunta sa opisina ng PACC ang sinumang may sumbong patungkol sa kahit kaninong opisyal ng pamahalaan na isinasagawa tuwing Lunes.

Ang pagtanggap ng PACC ng sumbong mula sa publiko bilang pagta­lima sa kautusan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na linisin ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan laban sa korupsiyon.   PAUL ROLDAN

Comments are closed.