NAKAALERTO ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakuna at iba pang essential food sa mga pantalan ng Port of Manila at Manila International Container Port Authority (MICP).
Upang mapabilis ang pagpasok at paglabas ng mga bakuna sa mga pantalan, binuo ang Covax Importation Unit na siyang magiging responsable sa pag-monitor ng COVID-19 vaccines, kaagapay ang iba pang ahensiya ng pamhalaan.
Ayon sa report, kasabay na inalerto ang mga tauhan ng BOC sa One-Stop-Shop sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mapabilis ang pagproseso at pagpapalabas sa inaprubahang mga bakuna, personal protective equipment, medical supplies, at iba pang produkto na kailangan sa paglaban sa COVID-19.
Samantala, inaasahan ng BOC ang pagtaas ng volume of importation sa canned meat products at pork products bunsod ng Executive Order 123 na nagpapanatili sa 5% tariff sa imports ng mechanically-deboned meat (MDM) ng chicken at turkey hanggang sa katapusan ng taon.
Bukod sa nabanggit na imported food products, inaasahan din ng Department of Agriculture (DA) ang paglobo ng minimum access volume (MAV) ng pork allocation supply sa mga pamilihan sa bansa na magbibigay-daan upang mapunan ang kakulangan ng pork meat products sa merkado sa loob at labas ng Metro Manila. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.