SUMAMPA na sa 23 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Laguna kaya isinailalim na sa total lockdown ang buong probinsi-ya.
Base sa Facebook post ni Laguna Governor Ramil Hernandez, kabilang sa mga may kaso ng COVID-19 ang Santa Rosa na may pitong kaso, Biñan (3); Calamba (2); San Pedro (2); Cabuyao (1); Los Baños (1); at Lumban (1).
Una rito, walong bayan ang ini-lockdown dahil sa COVID-19, ito ay ang Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Mabitac at Santa Maria noong Marso 26.
Mayroong kabuuang 24 na bayan ang probinsiya ng Laguna.
Marso 21 nang kumpirmahin ng municipal government ng Los Baños na namatay ang unang kaso ng COVID-19 case sa kanilang lugar.
Sinabi ni Hernandez na aabot na sa 687 ang persons under investigation (PUI) sa Laguna habang 8,859 naman ang persons under monitor-ing (PUM).
Aabot naman sa 1,277 ang cleared sa naturang kaso. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.