COVID-19 CASES, 4,496

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 4,496 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw ng Martes.

Batay sa case bulletin #584, na inilabas ng DOH nitong Oktubre 19, 2021, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,731,735 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 2.3% na lamang o 63,637 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman, kabilang dito ang 79.0% ang mild cases, 8.97% ang moderate, 5.2% ang asymptomatic, 4.8% ang severe at 2.0% ang kritikal.

Nakapagtala rin ang DOH ng karagdagang 9,609 bagong gumaling sa karamdaman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 2,627,126 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.2% ng total cases.

Mayroon namang 211 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Sa ngayon, umakyat na sa 40,972 ang COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.50% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon namang 47 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kabilang dito ang 31 recoveries.

Mayroong 145 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay nireklasipika matapos na matuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

Samantala, sinabi ng DOH na mababa ang mga naitalang kaso ng sakit nitong Martes dahil sa mas mababang laboratory output noong Linggo, Oktubre 17, 2021.

Mayroon umanong pitong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Based on data in the last 14 days, the 7 non-reporting labs contribute, on average, 2.8% of samples tested and 2.0% of positive individuals,” anang DOH.

Una nang nagpaalala ang DOH sa publiko na bagama’t bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiuulat nitong mga nakaraang araw ay hindi pa rin dapat maging kampante ang mga mamamayan.

Bagkus, ay dapat ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at agad na magpabakuna upang makaiwas sa COVID-19. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “COVID-19 CASES, 4,496”

  1. 62655 315863Someone necessarily assist to make critically articles Id state. This really is the initial time I frequented your internet page and thus far? I amazed with the analysis you produced to make this actual submit incredible. Excellent activity! 887702

Comments are closed.