COVID-19 CASES PUMALO NA SA 344,713

DOH

INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 344,713 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases na naitala sa bansa.

Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, nakapagtala pa sila ng 1,990 bagong kaso ng COVID-19 hanggang kahapon.

Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 580 new cases, sinundan ng Cavite na may 114 new cases, Rizal na may 105 new cases, Laguna na may 100 new cases at Misamis Oriental na may 94 new cases.

May 327 namang bagong gumaling mula sa virus.

Sa kabuuan ay nasa 293,383 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 40 namang naitala ang DOH na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa bilang na ito 18 ay nasawi ngayong Oktubre, 15 noong Setyembre, 4 noong Agosto, 1 noong Hulyo, 1 noong Hunyo at 1 noong Abril.

Sa ngayon, pumalo na sa 6 372 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.

May 93 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport.

Kasunod pa rin ito ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.