UMABOT na ng mahigit 197,000 ang kabuuang bilang ng mga naitatalang pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa case bulletin #164 na inisyu ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00PM ng Agosto 25 ay nakapagtala pa sila ng 2,965 bagong kaso ng COVID-19 sanhi upang umabot na sa 197,164 ang kabuuang bilang ng kaso nito sa bansa.
“As of 4PM today, August 25, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 197,164,” anang DOH. “A total of 2,965 confirmed cases are reported based on the total tests done by 86 out of 109 current operational labs.”
Samantala, ang magandang balita naman, nakapagtala pa ang DOH ng karagdagang 368 pasyente na gumaling na mula sa virus kaya’t umakyat na rin sa 132,396 ang total COVID-19 recoveries sa bansa.
“DOH likewise announces 368 recoveries. This brings the total number of recoveries to 132,396,” anang DOH.
Sa kabuuang bilang, 61,730 pa ang aktibong kaso, 91.6% ang mild cases; 6.1% ang asymptomatic; 0.9% ang severe at 1.4% naman ang kritikal.
Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso sa National Capital Region (NCR), na nasa 1,575; sumunod ang Negros Occidental, na may 237; Laguna, na may 151; Cavite na may 129 at Batangas na may 95 naman.
“Note: Of the 2,965 reported cases today, 2,434(82%) occurred within the recent 14 days (August 12-25, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,430 or 59%), Region 4A (395 or 16%) and Region 3 (218 or 9%),” anang DOH.
Mayroon namang 34 na pasyente ng virus ang iniulat na namatay dahil sa sakit sanhi upang umakyat na sa 3,038 ang COVID-19 death toll sa Filipinas.
Sa bilang ng mga namatay, 26 ang binawian ng buhay nitong Agosto; pito noong Hulyo; at isa noong Hunyo.
Ang 22 sa mga COVID-19 deaths ay mula sa NCR; apat ang mula sa Region 7; tatlo mula sa Region 4A; dalawa mula sa Region 5 at tig-isa ang mula sa Region 4B at Region 10, habang isa ang repatriate.
Mayroon din 53 duplicates na naalis mula sa total case count. Sa naturang bilang, 13 ang recovered cases na tinanggal. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.