COVID-19 CASES SA PINAS, 1.5M NA

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng may 5,916 karagdagang bagong kaso ng COVID-19 sa Filipinas araw ng Linggo.

Batay sa inilabas na case bulletin ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umakyat na ngayon sa 1,473,025 ang total cases ng COVID-19 sa bansa.

Gayunman, sa naturang bilang, 49,701 na lamang o 3.4% ang aktibong kaso.

Sa aktibong kaso naman, 89.3% ang mild cases, 5.0% ang asymptomatic, 2.4% ang severe, 1.70% ang moderate at 1.5% ang critical.

Nasa 94.9% naman ng total cases ang gumaling na sa sakit o kabuuang 1,397,403, matapos na madagdagan pa ng 6,127 bagong recoveries.

Samantala, ang COVID-related fatalities ay nadagdagan ng 105 kaya’t umakyat na ito ngayon sa 25,921 o may case fatality rate na 1.76%. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “COVID-19 CASES SA PINAS, 1.5M NA”

Comments are closed.