SUMAMPA sa 40 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID 19) sa Quezon City.
Ito ang paglilinaw ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office at maging sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte.
Sa nasabing bilang, tatlo sa mga biktima ay mga doktor na ang isa ay nakatira sa Brgy. Damayang Handang Lagi sa E. Rodriguez Avenue.
Sinasabing ang isang doktor ay nakahawa na sa kanyang anak at misis.
Dahil sa paglawak ng kaso, isinara na ang bahagi ng E. Rodriguez kung saan naroon ang kilalang ospital.
Samantala, nilinaw ng kapitan ng Brgy. Tandang Sora na dalawang kaso lamang ng COVID ang sa kanila.
DEATH TOLL SA COVID SA BUONG MUNDO, 10K NA
Pumalo na sa 10,000 ang bilang ng nasawi sa iba’t-ibang mga bansa at teritoryo sa buong mundo dahil sa COVID-19.
Pinakamarami rito ay mula sa Italy kung saan umabot na sa 3,405 habang 3,248 naman sa China.
Nakapagtala naman ng panibagong bilang ng nasawi ang Iran na mayroong 149.
Dahil dito umabot na sa 1,284 ang death toll ng nasabing bansa.
Samantala sa kabuuan mayroon nang 245,600 ang naitang kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang mga bansa at teritoryo na apektado ng sakit. DWIZ882
Comments are closed.