INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 209,544 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala pa sila ng 3,999 mga bagong kaso ng virus infection hanggang 4PM ng Agosto 28.
Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 2,097 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 178 new cases, Cavite na may 138 new cases, Batangas na may 132 new cases at Cebu na may 125 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 510 na bagong gumaling mula sa COVID-19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 134, 474 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.
May 91 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 55 ay ngayong Agosto, 33 noong Hulyo, 2 noong Hunyo, at isa noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,325 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.
May 36 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang nai-report kasunod ng kanilang nagpapatuloy na balidasyon at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.