PABOR ang Bureau of Immigration (BI) sa panukalang pagpapatupad ng paggamit ng COVID-19 passport dahil makaka-pagpabilis ito sa pagpoproseso sa airport at mapapanumbalik nito ang turismo at travel industry sa bansa.
Inihayag ni BI Commissioner Jaime Morente ang kanyang pagsuporta sa inisyatibong gawing global COVID-19 passport na ayon sa Department of Tourism ay makahikayat ng mas maraming turista at mapapabilis ang sistema ng pagpasok.
Sa kasalukuyan, ani Morente ay nire-require ang mga dumarating na mga international traveler na magpasuri sa airport na siyang magiging problema ng Immigration sa sandaling magbukas na sa mga turista.
“The anticipated influx of more international travelers could result in longer queues and overcrowding in our immigration counters as all of these passengers should be tested at the airport before they are allowed to enter the country,” anang BI Chief.
Kaya’t binigyang diin ni Morente, kung sakaling gagamit ng COVID-19 passport ang isang dayuhang mananakay ay nabakunahan na at wala na itong virus, kaya mapapabilis at mababawasan ang siksikan sa airport.
Ayon sa International Air Transport Association (IATA), layon nito na makagawa ng isang digital system kung saan matutukoy ang isang pasahero na ang isinagawang pagsususri at bakuna ay naayon sa COVID-19 travel regulations.
“The importance of this proposed COVID-19 passport cannot be underestimated when our country fully reopens its bor-ders to all international travelers,” ayon kay Morente. “We are hopeful that trust and confidence in international travel will be, little by little, renewed,” dagdag pa nito. PAUL ROLDAN
Comments are closed.