COVID-19 POSITIVITY RATE SA METRO BUMABA

Kahit paano ay medyo nakakabawas ng takot ang panibagong ulat ng Department of Health at OCTA Research Team na nabawasan pa ang positivity rate sa Metro Manila ng COVID-19 mula Nobyembre 8 hanggang nitong Nobyembre 18.

Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa dating 7.8% ay naging 7.4% na lang ang positi­vity rate sa nasabing panahon.

Gayunman, tinaya ni David na patu­ngo na sa curve flattening o platea­uing ang magiging galaw ng kaso ng virus sa mga susunod na araw.

Kayang abutin ang 5% positivity rate na dating sukatan ng World Health Organization na hangganan para ­maikonsiderang kontrolado na ang COVID-19.

Bagaman pababa ang trend sa kaso ng coronavirus disease, nagbabala rin si Dr. David na posible pa rin ang pagtaas ng kaso dahil nananatili pa rin ang pandemya kung hindi mag-iingat.

Tumaas naman ng 0.83 parcent sa mga lalawigan mula sa dating 1.02 percent hanggang Nobyembre 13.

Kahapon, iniulat ng DOH na nakapagtala ng bagong kaso na 810 sa buong bansa, na pinakamababa sa loob ng dalawang linggo.

Ang buod ng mensahe ng datos na ito ay tumutukoy na mag-ingat pa rin ang lahat kahit pa kumpleto sa bakuna at may booster pa.