NAGHAHANAP ang gobyerno ng mga kompanya na gumagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits para magtayo ng manufacturing facilities sa bansa.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo, ito ay bilang suporta sa pagsisikap ng pamahalaan na madagdagan ang testing capacity para sa sakit.
“There are possible investors for test kits that will enter here, and investors in general for manufacturing,” wika ni Rodolfo.
Ayon kay Rodolfo, target ng pamahalaan na mahimok ang mga investor kapwa sa polymerase chain reaction (PCR) testing facilities at rapid test kit makers na magtayo ng pasilidad sa bansa.
“At least one rapid test kit maker will likely invest in the Philippines this year, but an investment for PCR testing is more complex,” anang opisyal.
“I am sure, if it is rapid test kits, we can have an investor here for rapid test kits,” sabi pa ni Rodolfo. “I think, we can get at least one rapid test kit manufacturer.”
Aniya, ang mga kit maker para sa COVID-19 ay kasalukuyang may mga pasilidad sa China, Japan, South Korea, Taiwan, at United States.
Inaasahang makikipagpulong si Rodolfo sa kanyang South Korean counterparts sa susunod na buwan, gayundin sa potential COVID-19 test kit investors.
“The rapid test kit from South Korea is three times more expensive than those from China. So we are saying if you will do that in the Philippines you may further reduce your price and be more competitive than China,” dagdag ni Rodolfo.
Bukod sa South Korean companies, sinabi ni Rodolfo na bago pa man ang COVID-19 pandemic, isang Taiwanese company na gumagawa ng bakuna ang nagpahayag na ng interes na mag-invest sa bansa. (PNA)