INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maging available ang vaccine kontra sa coronavirus disease (COVID-19) sa Enero 2021.
Sa briefing sa Malakanyang kagabi ay sinabi ng Pangulo na manggagaling ang bakuna sa South Africa. Bukod pa umano ito sa ginagawang bakuna ng China.
Muling pinaalalahanan ng Pangulo ang mamamayan na dapat sumunod sa health protocols lamang katulad ng pagsusuot ng facemask at maging ang coughing etiquette upang hindi maiwasan ang pagkalat ng virus.
“Ang pagluluwag sa restrictions ng gobyerno ay hindi nangangahulugan na wala na ang COVID. COVID will remain with us until such time na nabakunahan tayong lahat,” pahayag pa ng Pangulo.
Ipinaalaala pa ng Pangulo na hangga’t hindi natuturukan ng vaccine ay nasa panganib pa rin ang buhay ng lahat kaya kailangan aniya ang pag-iingat, sumunod sa social distancing, at palagiang maghugas ng kamay. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.