COVID CASES SA LAHAT NG AGE GROUPS TUMAAS

HINDI lamang ang hanay ng mga bata ang nakikitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa, kundi ang lahat ng age groups.

Ito ang nilinaw ng DOH kasunod ng mga ulat na tumaas ang COVID-19 cases ng mga paslit.

Batay sa ulat ng DOH, nakapagtala sila ng 59% na overall increase sa mga kaso ng COVID-19 sa lahat ng age groups mula Hulyo 13 hanggang 25 kumpara sa Agosto 26 hanggang August 28.

Sinabi pa ng DOH na naitala nila ang pinakamalaking pagtaas ng COVID-19 cases sa hanay ng 30-39 age group habang pinakamababa naman sa mga kabilang sa 80-taong gulang pataas sa kahalintulad na panahon.

“Naiintindihan po namin ang mga agam-agam at pangamba ng ating mga kababayan sa mga balitang lumalabas ngayon tungkol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga bata. Ngunit dapat ay liwanagan natin na itong pagtaas ng kaso ay nararamdaman sa lahat ng grupo at hindi lang sa mga bata,” pahayag naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, inihayag dn naman ng DOH na ang COVID-19 national vaccination program ay patuloy na tumatalima sa priority groups upang makapaglaan ng COVID-19 vaccines sa mga taong higit na nangangailangan nito dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng bakuna.

Iniulat din niya na hanggang nitong Agosto 7 ay mayroon nang 11.2 milyong indibidwal sa bansa ang fully-vaccinated na o naturukan na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Patuloy rin naman aniya silang nananawagan sa mga eligible population groups na magpabakuna na sakaling mabigyan ng pagkakataon upang magkaroon sila ng proteksiyon laban sa COVID-19.

Binigyang-diin ni Vergeire na sa pamamagitan ng pagbabakuna ay maplprotektahan na rin ang mga kabataan mula sa COVID-19 infection.

Mahigpit ang paalala ni Vergeire sa mga mamamayan na maging maingat at patuloy na tumalima sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan kahit pa sila ay bakunado na.

Kabilang sa mga naturang safety protocols na dapat sundin ay ang tamang pagsusuot ng face masks at face shield, pag-oobserba ng physical distancing, regular na paghuhugas ng kamay at pagtiyak na mayroong tamang bentilasyon.

13 REHIYON SA PINAS
MAY DELTA VARIANT

Iniulat ng DOH na 13 na mula sa 17 rehiyon sa bansa ang kumpirmadong nakapagtala na ng lokal na kaso ng nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

“Local Delta cases have been detected in 13 out of our 17 regions in the country,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isang pulong balitaan.

Sinabi ni Vergeire na sa kasalukuyan ay mayroon nang kabuuang 450 kumpirmadong Delta variant cases sa bansa.

Aniya, sa naturang bilang ay 355 ang local cases, 69 ang returning overseas Filipinos (ROF), at 26 ang biniberipika pa kung lokal o ROF cases.

Sa 355 na local cases, nabatid na 146 kaso ang natukoy sa Metro Manila; 47 kaso ang nasa Region 4A; 39 kaso ang nasa Region 3; 37 kaso ang nasa Region 7; 36 kaso ang nasa Region 6; 22 kaso ang nasa Region 10; at 11 kaso ang nasa Region 8.

Samantala, ang Region 11 naman ay nakapagtala ng anim na kaso; lima ang naitalang kaso ng Region 1; tatlo ang kaso sa Region 9 habang tig-iisang kaso naman ang naitala sa Cordillera region, Region 2 at Region 5.

Iniulat naman ni Vergeire na nasa 35 ang Delta variant cases na nakumpirma nilang fully- vaccinated na laban sa COVID-19; 17 naman ang nakatanggap ng one dose ng bakuna; 83 ang hindi pa bakunado habang 315 pa ang tinutukoy kung nabakunahan na o hindi pa.

Nasa 55% rin umano o 248 ng mga kaso ay mga lalaki.
Ang pinakabatang pasyente na dinapuan ng karamdaman ay wala pang isang taong gulang habang ang pinakamatanda naman ay 84-taong gulang.

Ani Vergeire, sa 450 Delta variant cases, 426 ang gumaling na habang 13 pa ang nananatiling aktibong kaso o maaari pang makahawa.

Mula sa dating siyam naman ay naging 10 na aniya ang binawian ng buhay dahil sa sakit ngunit hindi na nagbigay pa si Vergeire ng karagdagang detalye hinggil dito.

“Among the 450 Delta variant cases in our country, 426 have recovered, 10 have died, while 13 remain to be active after validation and repeat RT-PCR… The outcome of one case is still being verified,” ani Vergeire.

Una nang iniulat ng DOH na dahil sa pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases at patuloy na pagkalat ng Delta variant nito ay klasipikado nang muli ang Pilipinas bilang high-risk area sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

136 thoughts on “COVID CASES SA LAHAT NG AGE GROUPS TUMAAS”

  1. 566615 767317I cant say that I completely agree, but then once more Ive never truly thought of it quite like that before. Thanks for giving me something to think about when Im supposed to have an empty mind although trying to fall asleep tonight lol.. 127699

  2. 409994 910711Beneficial info and superb design you got here! I want to thank you for sharing your ideas and putting the time into the stuff you publish! Excellent work! 194233

Comments are closed.