COVID-FREE SA BAYAN NG MAGDALENA

LAGUNA – IDINEKLARANG COVID-free ang bayan ng Magdalena sa Laguna na may 24 barangay dahil nakapagtala ito ng zero active case noong Lunes.

Base sa tala ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan, walang anumang kaso ng COVID-19 mula sa 24 barangay kaya maituturing na zero virus.

Nabatid na ang bayan ng Magdalena na nasa Calabarzon region ay 4th class municipality na may siyam na tourist attractions kung saan kabilang sa mga ito ay ang Emilio Jacinto Shrine, at ang Bahay Laguna Museum.

Kasalukuyang inihahanda na ng Magdalena RHU ang proyektong ResBakuna Kids pediatric vaccination para protektahan ang mga bata na edad 5 hanggang 11 laban sa virus. MARIO BASCO