CRAWFORD, BEASLEY NILAMBAT NG NETS

CRAWFORD, BEASLEY

PINALAKAS ng Brooklyn Nets ang kanilang lineup sa pagkuha kay veteran guard Jamal Crawford, ayon sa Athletic’s Shams Charania.

Si Crawford, isang three-time Sixth Man of the Year winner, ay hindi pa naglaro sa NBA magmula noong 2018-19 season, kung saan siya may average na 7.9 points at  3.6 assists per game para sa Phoenix Suns.

Umanib siya sa Brooklyn squad na hindi makakasama ang ilang players bago ang mu­ling pagbubukas ng NBA season dahil sa coronavirus. Sina DeAndre Jordan, Spencer Dinwiddie, Taurean Prince, at Wilson Chandler ay pawang hindi makapaglalaro sa pagpapatuloy ng season.

Si Crawford ay may average na 14.6 points at 3.6 assists per game para sa kanyang NBA career, kung saan naglaro siya para sa walong koponan sa 19 seasons.

Kinuha rin ng Nets si forward Michael Beasley bilang substitute player para sa kabuuan ng season.

Sa report ng New York Times noong Huwebes ng gabi, idinagdag din ng kulang sa taong koponan si Donta Hall.

Hindi ibinunyag ng koponan ang financial terms para kay Beasley, na kailangang magsilbi ng five-game suspension dahil sa paglabag sa anti-drug policy ng liga noong nakaraang Abril. .

Si Beasley, 31, ay naglaro ng 26 games (two starts) para sa Los Angeles Lakers noong nakaraang season, na may averages na 7.0 points at 2.3 rebounds, bago ipinamigay kasama si Ivica Zubac sa Los Angeles Clippers kapalit ni Mike Muscala noong Pebrero 7. Pagkalipas ng dalawang araw ay winaive siya ng  Clippers, at tinapos ni Beasley ang season na naglalaro sa China.

Si Beasley ay nakapaglaro para sa pitong NBA teams sa 11 seasons mula nang kunin siya ng Miami Heat bilang No. 2 overall pick sa 2008 NBA Draft mula sa Kansas State. May average siya na 12.4 points at 4.7 rebounds sa 609 career games (238 starts).

Comments are closed.