NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Corporate Recovery And Tax Incentives For Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act kahapon sa Malacañang.
Layunin nito na matupad ang hangarin ng gobyerno na gawing pangunahing investment hub ang Pilipinas na lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino
Target din ng batas na ang tax incentives regime ng bansa ay mas maging globally competitive, investment-friendly, predictable and accountable, at naaayon sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Republic Act 12066 ay pagpapakita ng commitment ng Pilipinas para lalo pang palakasin ang kalakalan patungo sa mas matatag na economic growth.
“The reforms we have instituterd in CREATE MORE are a testament to our firm resolve to roll out the red carpet for investors, userhr in critical investments, and foster a conducive and robust environment for businesses to thrive.,” bahagi ng speech ni Pangulong Marcos sa paglagda sa nasabing batas.
Sinabi ng Pangulo na ang pagpasa sa panukalang batas ay ipinaglaban dahil malaki ang benepisyo sa ekonomiya na inaasahan mula rito.
“This was a hard-fought and hard-won bill that really encompassed such a great scope of everything that we are trying to do in our economic transformation. We have taken a decisive step towards our vision of a globally competitive and investment-led Philippine economy,” ayon sa Pangulo.
Sa ilalim ng nasabing batas ay mas magandang incentive package ang naghihintay sa mga tinaguriang high quality investments, kabilang na rito ang maximum duration ng tax incentives na aabot sa 17 hanggang 27 taon mula sa dating 10 taon, pagbabawas ng corporate income tax ng 20 porsiyento, 100% na karagdagang bawas sa gastusin sa power expenses ng mga negosyo at korporasyon habang magbibigay din ng 50% na dagdag bawas para sa muling pamumuhunan o reinvestment para sa mga nasa industriya ng turismo at iba pa.
“As we open new doors of opportunity, we drive businesses to reinvest their capital, build upon the workforce, and initiate a ripple effect that will be felt across generations,” dagdag pa ni PBBM.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga mambabatas na nagtrabaho at nagpuyat para pinuhin ang mga probisyon ng CREATE MORE at upang matiyak ang napapanahong pagpasa nito.
EVELYN QUIROZ