CREDIT RATING NG PH BANKS TUMAAS

STANDARD&POOR

ITINAAS ng Standard & Poor’s Global Ratings ang credit rating ng Philippine banking system sanhi ng paborableng economic environment.

Sa pagtaas, ang local banking sector ay nasa ilalim na ngayon ng mas malakas na category of ‘6’ mula sa naunang  ‘7’sa scale na 1 to 10, kung saan ang huli ay nagpapakita ng ‘highest risk’.

“High household consumption, investment, and exports (mainly of electronics, commodities, and services) continue to support economic activity,” wika ng S&P sa pinakabagong Banking Industry Country Risk Assessment (BICRA) report nito na ipinalabas noong Martes.

“These strengths will likely be underpinned by strong household and company balance sheets, sound growth in jobs and income, inward remittance flows, and an adequately performing financial system.”

Binanggit nito ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) at infrastructure agenda ng administrasyong ­Duterte, at sinabing makatutulong ito sa pagpapabuti ng fiscal situation at overall economic performance ng gobyerno.

Binanggit din ng S&P ang malakas na external payments position ng bansa, at sinabing binubuo nito ang pundasyon ng credit strengths ng bansa.

Comments are closed.