CRIME RATE SA BORACAY LUMAYLAY

Boracay

AKLAN – IKINAGALAK ng Philippine National Police (PNP) ang pagliit ng krimen sa isla ng Boracay makaraan ang anim na buwang rehabilitas­yon noong nakaraang taon.

Sa datos ng Malay Municipal Police, 151 kaso ang naitalang krime sa isla nang buksan ito noong Oktubre 2018 hanggang Abril ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Capt. Jose Mark Gesulga, hepe ng Malay Municipal Police, mas mababa  ang nasabing numero kumpara sa nakalipas na mga panahon.

Naniniwala ang pulis na dulot ito ng mahigpit na pagpapatupad ng Project BESST (Boracay Enhanced Security, Strategy and Tactics).

Sa ilalim kasi nito, layunin ng mga awtoridad na gawing discipline zone ang isla.

Bukod dito,  naitala rin daw ang mababang kaso ng krimen sa Boracay nitong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.