CRUCIAL WIN SA CONVERGE

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – Blackwater vs Phoenix
6 p.m. – Magnolia vs Terrafirma

PINAHIRAPAN ni David Murrell, ang pre-season trade acquisition ng Converge mula sa NLEX, ang kanyang dating koponan at pinangunahan ang FiberXers sa krusyal na 112-108 panalo sa PBA Philippine Cup nitong Huwebes sa Araneta Coliseum.

Kumana si Murrell ng 21 points sa 10-of-14 field goal shooting laban sa kanyang dating koponan, at nakatuwang sina fellow young guns Tyrus Hill, Taylor Browne, Justin Arana at RK Ilagan para tulungan ang Converge na putulin ang two-game slide at mapalakas ang kanilang tsansa sa playoffs.

Sa 3-5, ang tropa ni Jeff Cariaso ay umangat sa solo eighth, na naglagay sa kanila sa magandang posisyon para makapuwesto sa quarterfinal sa kanilang PBA debut, may tatlong laro ang nalalabi kontra NorthPort, Phoenix at Blackwater.

“What’s really impressive with the guys tonight was being able to bounce back from two tough losses,” sabi ni Cariaso, patungkol sa kanilang lopsided defeats sa San Miguel at Ginebra.

“The way we’re looking at it, this is the last stretch of the eliminations and at this point, regardless of our record, we still control our destiny. The guys came out focused and I want to attribute that to the focus and energy they brought to practice. It carried over to this game,” dagdag pa niya.

Kuminang din sina Taylor Browne (15, pawang mula sa arc) at RK Ilagan (10 assists and three points) at rookies Tyrus Hill (18) atJustin Arana (11, all in the fourth).

Ipinalasap ng FiberXers sa Road Warriors ang ikalawang sunod na kabiguan para mahulog sa seventh place sa 4-4.

Iskor:
Converge (112) – Murrell 21, Hill 18, Browne 15, Arana 11, Ahanmisi 10, Adamos 9, Tratter 8, Ambohot 7, Bulanadi 4, DiGregorio 3, Racal 3, Ilagan 3, Tolomia 0, Stockton 0.
NLEX (108) – Rosales 29, Alas 23, Trollano 18, Chua 15, Oftana 12, Quinahan 4,Paniamogan 3, Fonacier 2, Magat 2, Semerad 0, Soyud 0, Ighalo 0.
QS: 19-15, 46-38, 77-76, 112-108