CSC NAKAPAGTALA NG 99.81% RESOLUTION RATE SA CCB PROGRAM

HALOS matugunan lahat o nabigyan ng kaukulang aksiyon ng Civil Service Commission (CSC) ang nasa 126,375 transaksiyon sa ilaim ng ipinatutupad nitong Contact Center ng Bayan (CCB) matapos na makapagtala ng 99.81% resolution rate sa nasabing customer service hotline program ng ahensiya.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Alexei.B. Nograles, ang naturang 99.81% action rate ay base sa feedback na kanilang natanggap mula sa publiko, partikular sa bahagi ng Enero 1 hanggang Nobyembre 30 ng kasalukuyang taon.

“From 1 January to 30 November 2022, the CCB received a total of 126,375 transactions, which include complaints, requests for assistance, messages of commendation or appreciation, queries, and suggestions. At the end of said period, 126,140 have been already resolved,” paliwanag pa ng CSC head.

Bunsod nito, sinabi ni Nograles na ang pagkakaloob ng customer-centered services ay nananatiling top priority ng CSC, sa pamamagitan na rin ng kanilang CCB at ang naitalang mataas na rating nito ay pagpapatunay lamang ng mataas o malaking pagtitiwala ng taumbayan sa CSC bilang isang institusyon ng gobyerno at sa klase ng serbisyong naibibigay nito.

“Every feedback received by the CCB serves as a challenge for government agencies to continuously provide excellent service. Notably, several of them were able to attain a high-resolution rate, which exemplifies government agencies’ collective commitment to provide excellent customer experience,” pagbibigay-diin pa ni Nograles.

Sa ilalim ng CCB program, ang CSC ay nakapaghahatid sa publiko ng mga impormasyon at tulong sa iba’t ibang government services and procedures sa pamamagitan ng text messaging service o SMS, email, website, telephon hotline, at maging sa official CSC Facebook Page.

\Mula Enero hanggang Nobyembre 2022, ang CSC Facebook Page ang most preferred channel, na may 40.31% o 50,936 feedback received; kasunod ang email sa pamamagitan [email protected], na may 42.13% o 53,245 transactions; habang ang SMS na ipinadala sa numerong 0908-8816565, ay umabot sa 21,267 o 16.83%.

Ang Citizen’s Complaint Center Hotline 8888, na naipasa sa CCB ay may kabubuang 461 concerns, na patungkol sa CSC services, at ito’y may katumbas na 98.04% resolution rate.

Samantala, nanawagan si Nograles sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na pairalin at paigtingin ang feedback mechanism sa kani-kanilang tanggapan at pakikinig sa hinaing ng ating mga kababayan.

“Taon-taon, ito ang gawin nating regalo sa kanila—ang mas mabilis at mas mahusay na serbisyo publiko,” dagdag pa ng CSC chairperson.

ROMER R. BUTUYAN