CURFEW HOUR SA PASAY IBINALIK

Curfew

MULING inaprubahan ng Sangguniang Pang­lungsod ng Pasay ang pagbabalik ng curfew hour mula alas-8 ng gabi hanggang ala-5 ng madaling makaraang isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at apat pang karatig bayan nito.

Nagsimula ang nasabing MECQ nitong Agosto 4 na magtatagal hanggang 18 bunsod ng panawagan ng mga doctor at health worker sa muling higpitan ang community quarantine dahil napapagod na ang mga ito sa pag-aasikaso ng mga pasyente na sa tingin nila ay walang nangyayaring pagbabago bagkus ay lalo pang dumarami ang nagpopositibo sa COVID-19.

Dahil dito, ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, agad na nagpulong ang Pasay City Council kung saan ibinalik nila ang oras na kung saan ay mas maghihigpit ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad nito mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Bagaman, hihigpitan ang pagpapatupad ng curfew hour, sinabi ni Calixto-Rubiano na ang pagbebenta at pagbili ng mga alak ay nananatiling pinapayagan ngunit kailangan lamang na sundin ang window hour na pagbili at pagbebenta nito mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi lamang. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.