CURFEW SA MALABON MAS HINIGPITAN

Curfew

SINIMULAN nang ipatupad sa Malabon City kahapon ang bagong curfew mula ika-10 ng gabi hanggang ika-5 ng umaga.

Hindi saklaw ng curfew ang mga empleyado na pumapasok o umuuwi ng gabi at mga Authorized Person Outside Residence (APOR) ngunit  kaila­ngan lang magpakita ng katibayan tulad ng Identification Card o Certificate of Employment.

Sinumang lalabag sa curfew ay magmumulta ng 1,000 piso para sa unang pagsuway; P2, 000 sa ikalawang pagsuway; at P 5,000 sa ikatlong pagsuway.

Mananatiling nakataas sa general community quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila kasama ang Malabon City hanggang Setyembre 30, 2020.

Napag-alaman sa Malabon City City Health Department, 149 ang nadagdag na confirmed CO­VID-19  cases kahapon at sa kabuuan ay 3,948 na ang kaso, 19 sa Malabon, 708 ang active cases.

Nagdagdagan naman ng 92 ang gumaling, sa kabuuan ay 3,087 ang recovered patients at nananatili sa 153 ang COVID casualties. VICK TANES

Comments are closed.