CURRY BINITBIT ANG WARRIORS SA PANALO VS WIZARDS

stephen curry-5

NAKOPO ni Warriors ace Stephen Curry ang 67th game ng kanyang career na may 40 points o higit pa upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 127-118 road win kontra Washington Wizards.

Mistulang patungo sa pagkatalo ang Warriors, na naglaro sa Washington isang araw bago ang nakatakdang pagbisita sa White House bilang pagkilala sa NBA championship win noong nakaraang season, nang umabante ang Wizards sa 106-98 sa kalagitnaan ng fourth quarter.

Subalit dalawang three-pointers mula kay Draymond Green ang nagsindi sa pag-init ng scoring ng Warriors, kung saan tumapos si Curry na may 41 points matapos isara ang 27-8 run.

“It’s whatever it takes at this point for us to try and right the ship, and get some good momentum, good energy around the team and an understanding of how to win games on the road,” sabi ni Curry, nagbigay-pugay sa nilaro nina Green at Jordan Poole, na tumapos na may 32 points.

“Draymond was unbelievable in the fourth quarter and Jordan kept us alive in the first half,” ani Curry.

“Collectively we just had a little bit more composure down the stretch and a little bit more intelligence on how to finish the game and not get rattled in that fourth quarter.”

Celtics 130, Hornets 118

Humataw si Jayson Tatum ng 51 points nang markahan ng Boston Celtics ang NBA’s Martin Luther King Day holiday schedule sa panalo laban sa Charlotte Hornets.

Dalawang araw makaraang umiskor ng 33 points kontra Charlotte noong Sabado, muling nagpasiklab si Tatum upang kunin ng Eastern Conference leaders ang ika-7 sunod na panalo.

Ito ang ika-5 pagkakataon sa career ni Tatum na nagposte siya ng mahigit sa 50 points sa isang laro. Ang kanyang career high ay nananatili sa 60-point performance laban sa San Antonio noong 2021.

Sa pangyayari, ang 24-year-old ang Celtics all-time leader sa regular-season 50-point games, nalagpasan ang kabuuang apat ni franchise icon Larry Bird.

“It’s been a while since I scored 50, so I needed that one,” pagbibiro ni Tatum matapos ang panalo, at idinagdag na ang pag-iskor ng 51 points sa national holiday upang bigyang-pugay si civil rights hero King ay may dagdag na kahulugan.

“Without him I wouldn’t be able to do what I do and live out my dream,” ani Tatum.

Sa panalo ay umangat ang Boston sa 33-12 sa ibabaw ng East, 4.5 games ang abante sa second-placed Brooklyn.

Sa Los Angeles, iginiya ni LeBron James ang Lakers sa 140-132 panalo laban sa Houston Rockets na may 48 points, 8 rebounds at 9 assists.

Sa iba pang laro, nahila ng Memphis Grizzlies ang kanilang winning streak sa 10 games sa 136-106 pagdurog sa Phoenix Suns.

Tumapos si Ja Morant na may 29 points at kumubra si Desmond Bane ng 28 para sa Memphis na umangat sa 30-13 upang manatiling nakadikit sa Denver sa ibabaw ng Western Conference.

Samantala, nakabawi ang Milwaukee mula sa back-to-back defeats kontra Miami sa 132-119 victory kontra Indiana Pacers.