CURRY BINITBIT ANG WARRIORS VS HAWKS

NAITALA ni Stephen Curry ang 18 sa kanyang NBA season-high 50 points sa third-quarter flurry kung saan nakahabol ang  Warriors tungo sa 127-113 win kontra Atlanta Hawks sa San Francisco, para sa ika-5 sunod na panalo ng Golden State.

Umabante ang Atlanta ng hanggang 15 points sa second quarter bago nadominahan ng NBA’s winningest team sa second half.

Tumapos si Curry, nalimitahan sa 20 points o mas mababa pa sa apat na sunod na laro, na may 14-for-28 mula sa field, 9-for-19 sa 3-point attempts at 13-for-13 sa foul line. Nakapagbigay rin siya ng 10 assists, para sa kanyang unang double-double sa 50-point game ng kanyang career.

Umiskor si Trae Young ng 28 points at nagdagdag si John Collins ng 19 para sa Hawks, na nalasap ang ika-4 na sunod na pagkabigo.

LAKERS 126,

HORNETS 123 (OT)

Naiposte ni Anthony Davis ang anim sa kanyang 32 points sa overtime at nagdagdag ng  12 rebounds nang putulin ng Los Angeles ang two-game losing streak sa pamamagitan ng overtime victory laban sa bisitang Charlotte.

Kumana si Carmelo Anthony ng 29 points mula sa bench at nakalikom si Russell Westbrook ng triple-double na may 17 points, 12 rebounds at 14 assists para sa Lakers na nanalo sa unang pagkakataon sa tatlong pagtatangka magmula nang lumiban si  star LeBron James ng isang linggo dahil sa abdominal strain.

Umiskor si Terry Rozier ng 29 points para sa Hornets at naitala ni LaMelo Ball ang kanyang ikalawang career triple-double na may 25 points, 15 rebounds at 11 assists. Nalusutan ng Charlotte ang 14-point, fourth-quarter deficit para maipuwersa ang overtime.

GRIZZLIES 125,

TIMBERWOLVES 118 (OT)

Tumirada si Ja Morant ng 33 points, kabilang ang huling pito sa pivotal fourth-quarter run, at ginapi ng Memphis ang bisitang Minnesota sa overtime.

Agad umabante ang Memphis sa extra frame nang isalpak ni Desmond Bane ang isang jumper para sa dalawa sa kanyang 13 points at naipasok ni  Morant ang dalawang foul shots. Hindi kailanman naghabol ang Grizzlies sa overtime.

Umiskor si D’Angelo Russell ng season-high 30 points para sa Minnesota, na nalasap ang ika-5 sunod na pagkatalo. Gumawa si Anthony Edwards ng 27 points bukod pa sa 5 rebounds, 3 assists at 3 steals, at tumapos si Karl-Anthony Towns na may 25 points at game-high 13 rebounds.

KNICKS 103,

76ERS 96

Kumamada si Julius Randle ng 31 points at humugot ng 12 rebounds upang pangunahan ang bisitang New York laban sa short-handed Philadelphia.

Nagdagdag si RJ Barrett ng 15 points at 10 rebounds para sa Knicks, na bumawi mula 17-point loss noong Lunes sa road kontra Cleveland Cavaliers.

Ang Sixers ay naglaro na wala si Joel Embiid, na nagpositibo sa COVID-19. Nanguna si Andre Drummond para sa Sixers na may 14 points at 25 rebounds. Umiskor si Furkan Korkmaz ng 19 points at nag-ambag si Tyrese Maxey ng 16.

Ang iba pang resulta: Bulls 118, Nets 95; Mavericks 108, Pelicans 92; Nuggets 113, Heat 96; Suns 109, Kings 104