D-LEAGUE: FINALS PAKAY NG DLSU, CEU

Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena)

4:30 p.m. – Marinero-San Beda vs CEU

7:30 p.m. – EcoOil-DLSU vs Go Torakku-St. Clare

HAHARAPIN ng three-peat seeking EcoOil-DLSU at surprise contender Centro Escolar University ang Go Torakku-St. Clare at Marinerong Pilipino-San Beda, ayon sa pagkakasunod, target na maisaayos ang  PBA D-League Aspirants’ Cup titular showdown ngayong Martes sa Ynares Sports Arena.

Pinapaboran ang unbeaten Green Archers na mamayani laban sa Saints sa alas-7:30 ng gabi matapos ang isa pang mainit na bakbakan sa pagitan ng Scorpions at ng Red Lions sa 4:30 p.m. curtain raiser.

Ang EcoOil-DLSU at CEU ay nagposte ng contrasting victories sa openers ng kani-kanilang best-of-three semifinal series noong nakaraang Huwebes.

Ang isa pang panalo ay magbibigay-daan sa kanilang championship face-off, na isa ring best-of-three format, simula sa Huwebes sa parehong Pasig venue.

Pinataob ng Green Archers, na siya ring hari sa UAAP, ang Saints, 85-65, upang manatiling walang talo sa anim na laro at lumapit sa kanilang ikatlong sunod na D-League finals appearance.

“It brings us closer to where we want to but the series is not over. Again, we have to respect St. Clare as a team and it will be the same respect in Game 2,” sabi ni EcoOil-DLSU assistant coach Gian Nazario.

Ang magandang balita para sa  Green Archers ay ang posibleng pagbabalik nina veterans Jonnel Policarpio (stomach flu) at EJ Gollena (hamstring), na kapwa hindi naglaro sa Game 1.

Sa isa pang bracket, malapit nang magkaroon ng katuparan ang pangarap ng Scorpions na masilat ang NCAA champion.

Ang CEU, ang newly-minted back-to-back UCAL champions, ay nakalalamang ngayon sa  Marinero-San Beda matapos ang kanilang unang dalawang paghaharap. Nagwagi ang Scorpions sa una nilang paghaharap, 72-63, sa classifications upang kunin ang second seed, at sinundan ito ng 75-71 win sa series opener.

Subalit hindi ito nangangahulugan na magkakampante ang Scorpions, lalo na laban sa Red Lions crew na may kakayahang rumesbak.

“We just have to keep ourselves grounded. Our job’s not yet over. We still have to win one more game,” sabi ni CEU coach Jeff Perlas.

“We just have to keep on believing that we belong here, that’s first. And at the same time, they have to bring that David inside them. We need one more inspiring win before looking ahead.”