Standings W L
Marinero-San Beda 5 1
EcoOil-DLSU 4 1
Wang’s-Letran 3 2
Perpetual 3 3
CEU 3 3
PSP 2 4
AMA Online 0 6
Laro ngayon:
(Ynares Sports Arena)
4 p.m. – EcoOil-DLSU vs Wang’s-Letran
PAG-AAGAWAN ng defending champion EcoOil-La Salle at Wang’s Basketball @27 Striker-Letran ang nalalabing outright semifinal berth sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena.
Ang final elimination round match ay nakatakda sa alas-4 ng hapon, kung saan kukunin ng mananalo ang No. 2 ranking sa playoffs.
Selyado na ng Marinerong Pilipino-San Beda ang No. 1 ranking at ang automatic semis slot sa 5-1.
May 4-1 kartada, ang Green Archers ay nasa second spot, kasunod ang Knights na may 3-2 record.
Ang nalalabing apat na koponan ay magbabakbakan sa quarterfinals, kung saan ang third at fourth-ranked clubs ay may twice-to-beat incentives.
Subalit kahit nais ng EcoOil-DLSU na magkaroon ng magandang standing para mapalakas ang kanilang title defense bid, ang magdahan-dahan upang masiguro ang tagumpay ang kanilang primary goal.
“We want to focus on just getting better. It’s a building block on where we want to be. Gusto lang namin ay mag-improve as we go along,” sabi ni assistant coach Gian Nazario, na pinagkatiwalaan ni head mentor Topex Robinson na gabayan ang Green Archers sa D-League.
“We’re not concerned with the standings at this point.”
Sa ilalim ni bagong coach Rensy Bajar, ganito rin ang layunin ng Wang’s-Letran, subalit nakahanda ang NCAA side na samantalahin ang pagkakataon na kunin ang No. 2 spot.
“Kahit paano, tsansa namin ito para sa No. 2. May pag-asa pa. We have to (capitalize) on this opportunity to be in Top 2,” sabi ni Bajar kasunod ng 62-61 panalo ng kanyang tropa kontra University of Perpetual Help System Dalta noong Martes.
Sumandal ang Knights sa late lay-up ni Kurt Reyson upang biguin ang pag-asa ng Altas na makuha ang isa pang outright semis berth.
Tanging ang Philippine Sports Performance (2-4) ang nakasisiguro na ng quarterfinals ranking sa No. 6
Ang rankings ng Perpetual (3-3) at CEU (3-3) ay nakasalalay sa resulta ng duelo sa pagitan ng EcoOil-DLSU at Wang’s-Letran.