Standings W L
Marinero-San Beda 4 1
EcoOil-DLSU 4 1
Perpetual 3 2
CEU 3 2
Wang’s-Letran 2 2
PSP 2 4
AMA Online 0 6
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Marinero-San Beda vs CEU
4 p.m. – Wang’s-Letran vs Perpetual
MAGSASALPUKAN ang Wang’s Basketball @27 Striker-Letran at ang University of Perpetual Help System Dalta target na manatili sa kontensiyon para sa top two sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa FilOil EcoOil Centre.
Ang Knights at Altas ay maghaharap sa alas-4 ng hapon kung saan ang matatalo ay babagsak sa quarterfinals.
Target ng Marinerong Pilipino-San Beda, kasalukuyang tabla sa walang larong EcoOil-La Salle sa 4-1, ang unang outright semifinals berth kontra Centro Escolar University sa alas-2 ng hapon.
May 3-2 record, sisikapin ng Scorpions na putulin ang four-game winning run ng Red Lions at umasang papanig sa kanila ang quotient system para makapasok sa top two.
Ang Perpetual ay tabla sa CEU sa third spot sa 3-2, habang ang Wang’s-Letran ay nasa No. 5 sa 2-2. Matapos ang Altas, makakasagupa ng Knights ang Green Archers sa huling araw ng eliminations sa Huwebes.
Para kay Wang’s-Letran coach Rensy Bajar, ang daan patungo sa layuning iyon ay magsisimula sa Perpetual side.
Ang Altas ay galing sa 93-72 panalo kontra Scorpions noong nakaraang linggo.
“Perpetual is a veteran team. Matagal na silang nagkakasama. Panay beterano natira kaya maganda ang pinapakita nila. Sa amin kahit paano sana madikit namin ‘yung level sa level na nilalalaro nila ngayon,” sabi ni Bajar.
Ang Knights ay nanalo sa kanilang huling dalawang laro matapos ang matamlay na simula. Kinailangan ng Wang’s-Letran na lumayo sa third quarter upang gapiin ang kulelat na AMA Online, 71-57.