Standings W L
Wangs 3 0
Marinero 3 1
Apex Fuel 3 1
Adalem* 3 2
EcoOil 2 2
CEU 2 2
Builders 0 4
AMA 0 4
*assured of playoff spot
Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
11 a.m. – Marinerong Pilipino vs AMA Online
1 p.m. – EcoOil-La Salle vs Wangs Basketball @26-Letran
3 p.m. – CEU vs Apex Fuel-San Sebastian
TARGET ng Apex Fuel-San Sebastian ang ika-4 na sunod na panalo sa pagsagupa sa Centro Escolar University sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Asam ng Golden Stags na makapuwesto sa playoffs kontra Scorpions (2-2) sa alas-3 ng hapon.
Ayaw namang mag-overconfident ni coach Egay Macaraya kung saan patuloy siyang naghahangad ng ‘excellence’ mula sa kanyanh tropa.
“Importante para sa amin to step up together on the defensive end sa mga susunod naming laro,” aniya matapos ang 73-51 panalo ng Apex Fuel-San Sebastian laban sa EcoOil-La Salle noong Huwebes.
Puntirya rin ng Marinerong Pilipino (3-1) na makakuha ng playoff spot sa pagsagupa sa inaalat na AMA Online (0-4) squad sa 11 a.m. matinee.
Subalit sasalang ang Skippers na wala si Jollo Go, na pinatawag ng Blackwater para sa PBA Philippine Cup quarterfinals.
“Mabigat ‘yung kawalan ni Jollo sa amin, pero kailangan lang naming ibigay ‘yung best effort palagi,” ani coach Yong Garcia.
Magbabalik naman ang Wangs Basketball @26-Letran (3-0) sa 11-day break at haharapin ang EcoOil-La Salle (2-2) sa ala-1 ng hapon.